Filipina Maid and BBC's Harry & Paul Comedy



After watching the video and reading the comments, di magandang tingnan na pinagkakatuwaan ng ibang lahi ang kapwa Pilipino natin. Although comedy show lang ito, 'ramdam natin ang pangit na epekto nito sa bawat isa sa atin. Marami nang mga reaction ang ginawa ng ating mga kababayan sa di na rin mabilang na kasong kagaya nito. Di maiwasang mag-react ang bawat isa sa atin kasi pride at impression ng ibang lahi sa lahat ng mga Pilipino ang involved dito.

Pero 'di ba ginagawa din natin ito sa mga sarili nating gawang pelikula at mga serye sa tv? Binabatukan pa nga natin sila, eh...Madalas 'yan sa mga comedy shows natin, di ba. Isama na natin ang mga seryosong gawa ng industriyang pelikula. I am referring don sa mga babaeng at lalakeng katulong o mga sidekicks ng mga bida. Ginagawa din silang uto-uto. Kulang sa kaalaman. Kayan-kayanan. Sunod-sunuran sa kung ano ang ipagawa sa kanila. Treated sila as lower class sa society. Kitang-kita 'yon. Walang kaibahan yan sa video na ginawa ng BBC. Buti nga 'di binatukan yong maid sa video, eh.

Tinggnan din nating ang mga films na isinasali natin sa mga festivals abroad. Nagkakamal pa nga ng awards di ba? Pero ano ang tema ng mga iyon? Mga kwento ng mga Pilipinong sadlak sa kahirapan. Mga katulong. Mga prostitutes. Na lahat gagawin para patuloy na mabuhay. Prostitution. Sex acts na di na dapat ipinapakita pero patuloy na ibinabandera sa buong mundo. Work of art, sabi natin. Na kapag tinaggal, apektado ang kwento. Kumbaga, essential ito sa buong pelikula.

Ano ang punto ko?

Hindi ako sang-ayon sa ginawa ng BBC o ng mga Briton. Masakit sa akin yon. Pilipino ako, eh. Pero siguro bago natin ayusin yong anggulo na ginawa ng BBC, ayusin muna natin ang sarili nating pagtrato sa mga kapwa natin. Masakit ang katotohanan, pero pwede ba nating pagtu-unan ng pansin ang mga gulong dulot ng iilang tao sa lipunan? Di ba mas malaking dagok 'yon lahat ng Pilipino kaysa sa ginawa ng mga Briton sa maid dahil dito, sarili at kapwa Pilipino natin ang nagagago. Ginagatasan, at patuloy na pinipiga tungo sa kahirapan. Corruption, red tape, PR o lagay na hinihingi o kusa nating ibinibigay sa mga taga-gobyerno bago kumilos o para lang gumalaw ang kung ano mang transaction natin sa mga opisina ng ating "sariling" gobyerno. Ito ang mga taong dapat pagtu-unan ng pansin.

Sa aking palagay, tama ring gawing tema ng mga pelikulang isinasali natin sa buong mundo ang mga bagay na ito. Isiwalat ang kabulukan, ang ugat ng lahat ng kahirapan at hindi ang kung ano ang naging resulta nito. Sa paraang ito, mas makakatulong tayo sa pagresolba sa mga problema at pag-unlad ng ating bayan.

Lumalabas na tayo, eh ang sarili nga nating mga patakaran sa sarili nating bayan, di natin maayos-ayos. Napakasipag nilang gumawa ng batas. Magaling! Ang tanong, na-i-implement ba nang tama?

Classic example: Simpleng batas na lang - ang batas trapiko. Sabi ko sa asawa ko, sa kalsada mo makikita ang totoong ugali o kultura ng mga Pinoy: lahat gustong mauna. Singit dito, singit doon. Ang resulta: traffic. Imbes na smooth ang takbo ng mga sasakyan, ayon, nangabara sa isang kalsada na i-isa naman ang patutunguhan. Kung titingnan mo sa malayo, parang isang bote ng softdrink ang kalsada na lahat nang laman ay nag-uunahan sa paglabas sa maliit na butas nito. Walang ipinagkaiba ito sa tinatawag nating crab mentality na nakatatak na sa bawat tipikal na Pilipino. Gusto laging nasa unahan, ma-abala man ang kapwa.

Ikaw, sumusunod ka ba sa batas trapiko, o kapareho mo 'yong talangka sa buslo na ikinwento pa nang lola ko noong bata pa ako?

Napaka-simpleng batas na n'yan. Eh ang komplikadong batas pa kaya?

Ngayon pa ba tayo aasa ng magandang impression galing sa ibang mga lahi? I know, you know the answer. Just keep it to yourself muna. Pag handa ka nang sundin ang batas trapiko, sige, sabihin mo na sa lahat ang sagot mo.

Ito'y sariling obserbasyon lamang. Talagang masakit tanggapin ang katotohan.

Kulang ang mga Pilipino sa pagkakaisa tungo sa isang magandang Pilipinas. Aminin man natin o hindi. Mga utak talangka pa rin tayo hanggang ngayon.

Ako ay Pilipino.

Kayo?

Video courtesy of manilabuzz

2 comments:

Mikes Sumondong said...

this video makes me really sad. How i wish we can a better and much improved country. don't you think?

NewsBlog1st

. said...

thanks for the comment mike! Best reagrds sa inyong lahat sa Cebu! God bless!