Ang bansa ay maihahalintulad ko sa isang kalsada:
Ang kalsadang maluwag at walang trapiko ay isang bansang napapatakbo ng maayos. Ang lahat at nasa maayos na lugar.
Kapag ito naman ay barado at ang laman ay mga nag-uunahan at di nagbibigayang mga sasakyan; lahat gustong mauna at makalusot; mag-short cut maski bawal, mga taong tumatawid kung saan-saan na lang; mga vendors na naglipana na maaaring maging sanhi ng trapiko; mga drivers na naglalagay sa pulis para mapalusot angkanilang mga violations, mga pulis na nagongotong -- ito ay indikasyon ng isang bansang punong-uno ng mga anomalya, isang bansang di napapamahalaan ng maayos. Dito mo rin makikita ang pagiging utak-talangka ng mga tao. Nasa linya ka na, sisingitan ka pa at yon pa ang taas noo at nakangisi sa kanyang ginawa, bagay na maihahalintulad sa kanilang pagkatao: masagasaan na ang masagasaan, makarating lang sa patutunguhan.
Ang batas trapiko ang pinakasimpleng batas sa ating bansa. Kapag ito ay di nasusunod ng isang ordinaryong mamamayan at lalo na ng mga propesyonal, ano pa kaya ang mga malalim na batas?
Ano na lang ang hinaharap ng ating bansa?